Martes, Enero 28, 2025

Q3-Week 5- Sanaysay

 Layunin: Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng Mensahe


Panuto: Panoorin ang dagdag na pagtalakay  ukol sa Sanaysay.


Matapos mong mapanood ang maraming kaalaman ukol sa sanaysay, sa kasalukuyan, saan ka ba madalas nakababasa ng mga opinyon ng mga kilala at pangkaraniwang tao sa lipunan?

Tama! Ang social media ang madalas na nagiging daan na upang maipahayag ang saloobin at damdamin ng isang tao kaugnay sa isang paksa.


Para mas higit mong matamo ang layunin ay basahing mabuti ang nilalaman ng blog na ito.

Pamagat: Ang Damdamin ng Pag-asa at Laban: Pagsusuri sa Talumpati ni Nelson Mandela at ang Kahalagahan ng Social Media

Si Nelson Mandela ay isang dakilang lider sa Africa na lumaban para sa kalayaan at diskriminasyon. Ang kanyang talumpati ay naglalaman ng mga damdamin ng pag-asa, pakikibaka, at pananampalataya sa kabila ng matinding pagsubok. Hindi lamang nakatuon sa pakikidigma laban sa hindi makatarungang sistemang apartheid ang nilalaman ng kanyang mga salita, kundi ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay at pagiging malaya ng bansang South Africa.

(Ang Apartheid ay isang polisiya ng diskriminasyon laban sa mga hindi-puting tao sa South Africa. Ito ay isang batas na nagpapatupad ng paghihiwalay ng mga tao batay sa kanilang lahi at naglilimita sa mga karapatan ng mga itim na tao. Sa ilalim ng Apartheid, mahigpit na pinaghihiwalay ang mga puti at hindi puti sa lahat ng aspeto ng buhay—mula sa edukasyon, pabahay, kalusugan, at maging sa mga pampublikong lugar. Ang layunin ng polisiya ay mapanatili ang dominasyon ng mga puti at supilin ang mga karapatan ng mga Black South Africans.)What made Nelson Mandela great | Psephizo

Ang Damdaming Nakapaloob sa Talumpati ni Nelson Mandela

Ang pagmamahal sa kalayaan at katarungan ang pinakatampok sa talumpati ni Mandela. Batay sa mga salitang binitiwan niya ay ipinamalas ang lubos na dedikasyon at tapang sa pakikipaglaban para sa mga karapatang pantao. Ang kanyang hangarin na pagbabago ay hindi lamang para sa mga tao ng South Africa kundi para sa buong mundo.

"I am prepared to die.", isa  ito sa makaantig damdamin na mensahe ni Mandela sa mga mamamayan na may kahulugang handang isakripisyo ang kanyang sarili para sa kabutihan ng bayan. Dahil dito, nahikayat ang mga tagapakinig na magsalita at kumilos laban sa anumang uri ng pang-aapi o pang-aabuso. 

 Ang mga teknikal na aspeto ng komunikasyon na ito ay hindi lamang ginagamit sa pagsulat, kundi pati na rin sa mga pampublikong pagsasalita upang maghatid ng makapangyarihang mensahe sa mga tagapakinig.

Tuwirang Pahayag sa Pagtalakay ng Sanaysay at Talumpati

Ang tuwirang pahayag ay ang mga pahayag na malinaw, walang paligoy-ligoy, at direktang pagpapahayag ng mensahe.  Hindi na ito kinakailangang magbigay ng dagdag na pagpapaliwanag o konteksto. Mapapansin na madalas ginagamit sa talumpati at sanaysay ni Nelson Mandela ang tuwirang pahayag upang magbigay ng mga konkretong paninindigan at magtakda ng mga layunin.

Narito ang isang halimbawa ng kanyang tuwirang pahayag:

“Ang aking buhay ay nakalaan para sa paglilingkod sa mga tao. Ang isang tunay na lider ay hindi iniisip ang kanyang sariling interes kundi ang kapakanan ng nakararami.”

Malinaw na ipinahayg ni Mandela ang kanyang damdamin ukol sa pagiging tunay na lider na nagsisilbi para sa kapakanan ng nakararami. Mas madaling maunawaan ang kanyang mensahe na naglalaman na itinakda siya para maglingkod at hindi para paglingkuran..

Di-Tuwirang Pahayag at ang Pagkakaroon ng Malalim na Kahulugan

Samantalang ang di-tuwirang pahayag naman ay may kasamang mga simbolismo, metapora, o mga ideya na hindi agad nauunawaan. Ang paggamit ng mga di-tuwirang pahayag ay nagiging epektibo sa pagpapahayag ng mas malalim na mensahe at sa pagpapakita ng mga kumplikadong ideya na mahirap ipahayag nang direkta. Madalas din ang paggamit ni Mandela ng mga di-tuwirang pahayag upang iparating ang mas malalim na kahulugan ng mga isyu sa lipunan, tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at katarungan.

Isang magandang halimbawa ay ang kanyang pahayag na:

"Hindi ako naglalakbay upang maghanap ng mga kaluwagan, kundi upang maghanap ng kalayaan para sa aking mga kababayan."

Mapapansin na gumamit siya ng mga salita na may malalim na pagpapakahulugan. Ang “paglalakbay”ay sumisimbolo sa pagnanais na hanapin ang katarungan at pagkakapantay-pantay. Kailangan ng karagdagang pagsusuri upang higit na maunawaan ang layunin ng kanyang pahayag.

Pagtutok sa Pagkakaiba ng Tuwiran at Di-Tuwirang Pahayag

Sa kabuuan, parehong mahalaga ang tuwiran at di-tuwirang pahayag sa mga sanaysay at talumpati ni Nelson Mandela sapagkat nakatulong ito sa mahusay na pakikipagkomunikasyon na nagsusulong ng mga karapatang pantao. Ang tuwiran ay nagbibigay ng kaalaman at malinaw na direksyon sa mga tagapakinig, samantalang ang di-tuwirang pahayag ay nagpapakita ng lalim ng mga ideya at nagsusulong ng mas malalim na pagsusuri.

Pagsasagawa ng Pagtalakay sa Mga Pahayag ni Mandela

Dahil sa makabuluhang paggamit ng tuwiran at di-tuwirang pahayag ay naaabot ang layunin ng isang tagapagsalita o manunulat gaya ni Nelson Mandela. Ang bawat pahayag na kanyang binanggit ay may layuning magbigay ng inspirasyon, magtulak ng pagbabago, at magbigay daan sa pagkakaisa. Ang paggamit ng wastong mga salita at kaalaman sa wikang ginagamit ang magiging daan sa mabisang daluyan ng mensahe upang mas maunawaan ng mga mambabasa at tagapakinig.

Tandaan:

Mahalaga ang bawat uri ng pagpapahayag sa pakikipagkomunikasyon. Sa mga talumpati at sanaysay ni Nelson Mandela, ang paggamit ng tuwiran ay nagdudulot ng agarang mensahe at layunin, samantalang ang mga di-tuwirang pahayag ay nag-uudyok ng malalim na pagninilay at simbolismo. Nagsisilbi itong inspirasyon para maghangad ng makatarungan at malayang lipunan.

Isang malaking hamon sa kasalukuyan ang maging mapanuri sa lahat ng nakikita at nababasa sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng saloobin at naisin ng mga namumuno at nagnanais mamuno sa komunidad at maging sa buong bansa lalo na at nalalapit nanaman ang halalan. Pumili nang naaayon sa magiging kapakinabangan ng lahat hindi ng pansarili lamang kapakanan. Maging inspirasyon sa mga nagnanais mamuno sa lipunan ang dedikasyon, pagsusumikap at paglaban ni Mandela sa diskriminasyon at kawalang katarungan sa lipunan.



Tanong: Sa pagtalakay ngayon sa aralin, ano ang iyong natutunan, naging pagninilay at naunawaan? Isulat ang sagot sa comment section kalakip ang pangalan para sa pagmamarka.


Pamantayan sa Pagpupuntos:

Nilalaman: 5 puntos

Gramatika: 5 puntos

Kabuoan: 10 puntos


Sanggunian:

👉https://youtu.be/gYEeQ0tQk14?si=YO6-953DaB1oU_NU

👉www.google.com (Mga larawan)

👉sistemang apartheid - Google Search




15 komento:

  1. Ang naunawaan ko po ay hindi lamang nakatuon sa pakikidigma laban sa hindi makatarungang sistemang apartheid, kundi sa pangarap ng isang malaya at pantay-pantay na bansang South Africa.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Paano mo naman ito maiuugnay sa sarili mong buhay o sa bansang iyong kinabibilangan?

      Burahin
  2. Ang naunawaan ko ay kung pano pinahayag sa talumpati ni Nelson Mandela ang Hindi pag kakasundo Ng mga puti at itim at sa nilalaman Ng kanyang mensahe ay pinaparating nito na Ang pamahalaan Ng national party Ang timog Africa noong 1948. Ang gobyernong binubuo Ng mga puti ay nag lunsad Ng mga polisyang mag hihiwalay sa mga puti at Hindi puti at ito ay tinatawag nilang apartheid.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ayusin ang pagkakahanay ng mga kaisipang nais mong bigyang diin.

      Burahin
  3. Ang medyo na unawaan ko po ay ang apartheid ay isang polisiya ng diskriminasyon laban sa mga hindi-puting tao sa South Africa.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tama, at iyan ang ipinaglabang mawala ni Mandela sa Africa. Sa Pilipinas, may pangyayari ba na kagaya nito?

      Burahin
  4. Ang natutunan ko po ang talumpati ni nelson mandela ay ang mensahe niya sa kanyang tamupati ay pagmamahal at kalayaanat katarungan

    TumugonBurahin
  5. Natutunan ko po ang kahalagahan ng pagsusuri ng damdamin hindi lamang sa mga makasaysayang talumpati tulad ng kay Nelson Mandela, kundi pati na rin sa mga ekspresyon sa social media. Naging pagninilay ko ang kapangyarihan ng mga salita kung paano ito makapagbigay ng pag-asa at mag-udyok sa pagkilos tungo sa pagbabago. Naunawaan ko na bagamat magkaiba ang plataporma, pareho ang layunin. magpahayag ng damdamin at magtaguyod ng katarungan.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tama, ang mga tuwiran at tuwiran niyang pahayag ang nagpalitag ng damdamin at kaisipang nakapaloob sa kanyang talumpati.

      Burahin
  6. Ang naunawaan ko po ay nag kakaroon Sila ng diskriminasyon dahil sa kanilng kulay tingin po nila ay hindi bagay ang mga itim makihalo bilo sa mga puti dahil sa pang labas na anyo

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. "panlabas", nangyayari pa rin ba ito sa kasalukuyan?

      Burahin
  7. Natutunan ko na ang sanaysay ay isang uri ng sulatin na naglalaman ng mga opinyon, karanasan, at pananaw ng may-akda sa isang partikular na paksa.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tama, kaya naman bang makagawa ng sariling sanaysay? Basta at alalahanin lamang ang nilalaman nito sa siguradong di ka maliligaw.

      Burahin

Salamat sa pagtugon, inaasahan ko na isasabuhay mo ang mahahalagang mensahe sa bawat aralin.

Q3-week 7-Nobela

  Layunin: Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito Panuto: Panoorin ang bidyo ng ...