Miyerkules, Enero 22, 2025

Q3-Week 4- Epiko- Sundiata

 LAYUNIN: Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at ng alinmang social media


Panuto: Panoorin ang pagtalakay ukol sa paksang "Sundiata" Epiko mula sa Africa ni Sir Wensor Francia

https://youtu.be/26W7RhFYgcM?si=08AFrP1JHEp4-I8R


Pagsusuri sa Damdaming Nakapaloob sa Epikong Sundiata at ang Kahalagahan nito sa Social Media

Ang epikong Sundiata ay isang kilalang kwento mula sa Africa, partikular na mula sa Mali, na naglalarawan ng buhay ni Sundiata Keita, ang nagtatag ng Mali Empire. Sa kabila ng pagiging isang klasikong epiko, ang Sundiata ay puno ng mga damdaming makikita sa bawat aspeto ng ating buhay—mula sa pagtanggap ng kapansanan, hanggang sa pagsusumikap para sa katarungan, at ang kahalagahan ng pagpapatawad at pagkakaisa. Ang mga temang ito ay patuloy na buhay na buhay sa ating mga makabagong karanasan, hindi lamang sa ating personal na buhay kundi pati na rin sa ating pakikisalamuha sa mga platapormang tulad ng social media. Mapapansin na marami na tayong nakikita na nagbabahagi ng pakikipagsapalaran at tagumpay ang ilang indibidwal sa iba’t ibang palataporma ng social media sa kabila ng kanilang mga kapansanan.

Mapa ng Mali sa Africa

Ang Epiko ng Sundiata: Ang Paglalakbay ng Bayani

Ipinakita sa epiko na si Sundiata ay isang batang prinsipe na ipinanganak na may kapansanan sa kanyang mga binti, isang kondisyon na naging sanhi ng panghuhusga at diskriminasyon mula sa iba. Ngunit sa kabila nito, siya ay nagsikap at nagtagumpay sa mga hamon ng buhay upang maging isang makapangyarihang pinuno. Isang patunay na hindi hadlang ang kapansanan upang matamo ang mga inaasam na tagumpay basta’t mayroong lakas ng loob na tanggapin ang kakulangan, magkaroon ng tiwala sa sarili at hindi sumusuko sa pagharap sa mga pagsubok.

Ang epiko ay isang tula na nagsasalaysay ng kabayanihan at pakikipaglaban ng pangunahing tauhan. Madalas na ang mga tauhan dito ay nagtataglay ng lakas na nakahihigit sa pangkaraniwang tao lamang. Ito rin ay puno ng damdaming masasalamin ang kahalagahan ng pagkakaisa, katarungan, at pagpapatawad. Ang Sundiata ay naglalaman ng pakikipaglaban sa mga kaaway, at nagpapakita ang mga sakripisyo ng mga tauhan na naglingkod sa kanya, na nagbigay ng kanilang buhay para sa katarungan at pagkakamit ng kapayapaan sa kanilang bansa. Nag-iiwan ito ng mga aral, at may temang laban sa hindi pagkakapantay-pantay, pagkamakasarili, at paghahangad ng kapangyarihan. Ipinakita rito ang makatarungang pamumuno at paggalang sa kabila ng mga pagkakaiba.

Damdaming Nakapaloob sa Epiko

Kombinasyon ng determinasyon, pagnanais para sa katarungan, at isang malalim na ugnayan sa pamilya at bayan ang damdamin na nangingibabaw sa Sundiata. Ang mga sumusuportang karakter sa epiko ay nagpapakita ng walang katumbas na loyalty at pagnanasa na itaguyod ang moralidad, kahit na sa harap ng panganib at sakripisyo. Puno ng katapangan at kabayanihan ang damdaming nangingibabaw sa tauhan sa epiko dahil sa pagmamalasakit sa kanilang bayan.

Halimbawa, ang karakter ni Sundiata mismo ay isang simbolo ng pagbangon mula sa pagkatalo. Bagama’t isang batang may kapansanan ay nagawa niyang matagumpay na maipaglaban ang kanyang bayan. Isang inspirasyon na hindi pansariling kapakanan ang nangibabaw bagkus ay sa ikabubuti ng nakararami.

Pagsusuri ng Damdamin sa Konteksto ng Social Media

Sa makabagong panahon, hindi lamang makikita sa mga aklat ang mga istorya ng tagumpay, kundi maaari na ring makita sa mga social media platforms. Ang social media, tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram, ay naging isang lugar kung saan ang mga tao ay nagbabahagi ng kanilang mga tagumpay at pagsubok. Sa bawat post at kwento, makikita natin ang mga damdaming tulad ng sa epiko ng Sundiata—ang hangarin na magtagumpay, makatarungan, at mapabuti ang buhay. Isang inspirasyon upang magpatuloy na harapin ang mga pagsubok sa buhay at abutin ang inaasam na tagumpay.
Mula sa facebook post ng OneFM

Isang patunay si Ernie Gawilan na isang Pilipino na nakatanggap ng mahigit sa sampung gintong medalya sa Asian Para-Games mula sa ginanap na Swimming Paralympics noong 2023. Sa kabila ng kanyang kapansanan mula sa mapait niyang karanasan ang marami siyang napagtagumpayan. Ang hindi niya kumpletong pisikal na kaanyuan ang naging hamon sa kanya upang magsumikap at hanapin ang talentong natatangi sa kanya.

Sa social media, maraming tao ang nagbabahagi ng kanilang kwento ng tagumpay sa kabila ng mga pagsubok. May mga posts na naglalaman ng paglaban sa kanilang mga kahirapan—tulad ng mga kwento ng mga kabataan na nagtagumpay sa kabila ng matinding personal na pagsubok. Katulad ni Sundiata, ang mga tao sa social media ay maaaring maging inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang lakas ng loob at determinasyon.

Ngunit katulad din ng epiko, ang social media ay may mga aspeto ng paghahangad ng kapangyarihan at ang mga suliraning dulot ng hindi pagkakapantay-pantay. Hindi naiiwasan na may mga pagkakataon na ang mga post at komento ay nagiging daan ng alitan at hindi pagkakaintindihan. Ang bugso ng kanilang mga damdamin ang nagiging daan ng hindi pagkakaunawaan. May ilang tao na gumagamit ng social media upang mang-insulto, magpakalat ng maling impormasyon, o maghasik ng takot. Sa mga ganitong sitwasyon, mahalaga na magkaroon ng tamang liderato, maging mapanuri sa nababasa at napapanood, unawain ang bawat sitwasyon, at magkaroon ng pagkakaisa upang labanan ang mga negatibong aspeto ng ating komunidad—maging online at offline.

 

Ang Pagpapatawad at Pagkakaisa sa Social Media

Isa sa mga pangunahing tema sa Sundiata ay ang pagpapatawad at pagkakaisa. Natutunan ni Sundiata ang kahalagahan ng pagpapatawad, paggalang at pagtanggap sa pagkakaiba-iba. Sa paggamit ng social media, ito rin ang isang mahalagang aral upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Kung magkakaroon lamang pagpapakumbaba, pagpapatawad sa mga hindi pagkakasunduan, at pagtanggap sa kamaliang nagawa ay magkakaroon tayo ng mas magaan at mas makatarungang pag-uusap sa mga platapormang ito.

Tandaan:

Ang epikong Sundiata ay hindi lamang isang kwento ng isang bayani, kundi isang aral sa determinasyon, katarungan, pagpapatawad, at pagkakaisa. Ang pagtanggap sa kahinaan, pagpapakumbaba, at matapang na pagharap sa hamon ng buhay ay magdadala ng tagumpay sa nakararami. Sa modernong buhay, lalo na sa social media, ang bawat post na nagpapakita ng mga tagumpay at kabiguan ay magsilbing inspirasyon upang magsumikap. Maging maingat sa pagkokomento at sa pagpo-post na nagiging dahilan ng alitan. Ang mga aral mula sa Sundiata ay nagbibigay gabay sa atin sa kung paano natin dapat pamahalaan ang ating mga emosyon at pananaw, at kung paano natin maisasabuhay ang mga prinsipyo ng katarungan at pagkakaisa, sa parehong online na mundo at sa ating pang-araw-araw na buhay.


Tanong: Sa pagtalakay ngayon sa aralin, ano ang iyong natutunan, naging pagninilay at naunawaan? Isulat ang sagot sa comment section kalakip ang pangalan para sa pagmamarka.


Pamantayan sa Pagpupuntos:

Nilalaman: 5 puntos

Gramatika: 5 puntos

Kabuoan: 10 puntos


Sanggunian:

👉https://youtu.be/26W7RhFYgcM?si=08AFrP1JHEp4-I8R

👉www.google.com

👉FIL10-Q3-MODYUL4.pdf

👉Facebook

21 komento:

  1. Ang natutunan ko ang kahalagahan ng mga hamon sa buhay

    TumugonBurahin
  2. Natutunan ko na ang epikong Sundiata ay nagtuturo sa atin ng mahalagang aral tungkol sa pagiging matatag sa harap ng mga pagsubok at ang kahalagahan ng katarungan, pagpapatawad, at pagkakaisa, hindi lamang sa ating personal na buhay kundi pati na rin sa ating pakikipag-ugnayan sa social media.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tama, kaya maging matalino sa paggamit ng iba't ibang social media platforms.

      Burahin
  3. Ang aking natutunan sa epikong sundiata ay maging matatag sa Buhay at huwag agad susuko.

    TumugonBurahin
  4. Ang natutunan ko ang halaga ng pagtanggap sa sarili at ang lakas ng loob sa harap ng mga pagsubok.

    TumugonBurahin
  5. Ang natutunan ko ay pagiging matatag sa harap ng mga pagbusok sarili lang natin ang kailangan natin pra papatagin natin ang ating sarili at wag agad sumuko,pahalagahan rin ntin ang sarili

    TumugonBurahin
  6. Natutunan ko na maging matatag sa lahta ng bagay kahit ano pa ang sabihin ng mga tao sa iyong kapansanan ay magpatuloy lang at makak daating din ang panahon na matatnggap ka din ng mga tao na u

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. "lahat", para matanggap ang kakulangan ng isang tao, siya muna sa sarili niya ang unang makatanggap ng kakulangang iyon. Pag minahal ang sarili ay balewala ang sasabihin ng iba na di naman makatutulong sa paglago.

      Burahin
  7. Ang naunawaan ko sa "epikong sundiata" ay maging matatag lagi tayo sa lahat ng pagsubok na dumating saatin at wag agad tayong susuko dahil dadating din ang panahon na matatagumpayan din natin

    TumugonBurahin
  8. Natutunan ko na ang mga tema sa Epikong Sundiata, tulad ng pagtitiyaga, paghahangad ng katarungan, at ang kahalagahan ng pagpapatawad at pagkakaisa, ay may kaugnayan pa rin sa ating modernong buhay at sa paggamit natin ng social media. Naunawaan ko na ang mga aral mula sa Sundiata ay nagsisilbing gabay sa kung paano natin dapat gamitin ang social media nang may pananagutan at paggalang sa iba.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Magagandang katangian iyan na dapat tagalayin ng bawat isa. Nariyan na talaga ang teknolohiya at social media kaya gamitin na lamang sa tama.

      Burahin
  9. Ang natutunan ko po ay naging matatag at wag sumuko kase wala Naman ang Diyos ibibigay na pag subok na hindi natin kayang lutasin lahat ng ito ay may dahil kaya wag tayung panghinaan ng loob

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pagsubok, tayong... Ang panginoon ay laging handang makinig sa ating mga daing at laging nakabantay sa mga desisyon natin.

      Burahin
  10. Natutunan ko na ang epikong "Sundiata" ay isang mahalagang bahagi ng mitolohiyang Aprikano na nagpapakita ng kultura at kasaysayan ng Imperyong Mali. Nakapag-aral din ako tungkol sa buhay ni Sundiata, ang tagapagtatag ng Imperyong Mali, at ang kanyang mga nagawa.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Bukod dito, ano pa ang maibabahagi mo ukol sa kaisipang nakapaloob sa epiko?

      Burahin
  11. natutunan ko sa epikong sundiata maging matatag at huwag agad sumoko dahil lahat ng problema ay nasusolosyonan den.

    TumugonBurahin

Salamat sa pagtugon, inaasahan ko na isasabuhay mo ang mahahalagang mensahe sa bawat aralin.

Q3-week 7-Nobela

  Layunin: Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito Panuto: Panoorin ang bidyo ng ...