Mito
mula sa Iceland
Layunin:
Nailalahad ng mga pangunahing paksa at ideya batay
sa napakinggang usapan ng mga tauhan
F10PN-IIa-b-7
At nang makarating sa tahanan ni Venus si
Pscyhe, agad nitong kinausap ang diyosa. “Mahal na diyosa, ako ay nagkasala sa iyo at sa inyong
anak. Lahat ay gagawin ko upang mapatawad ninyo ako.” Buong pagmamakaawang wika
ni Psyche. “Ako ay labis na namumuhi sa iyo, mortal! Ngunit sige, kapag nagawa
mo ang aking mga ipagagawang pagsubok, patatawarin kita at baka sakaling
mapatawad ka rin ng aking anak na lubhang nasaktan dahil sa iyo.”
Ito ay halaw mula sa Cupid at Psyche na kung saan ay ipinakita ni Psyche ang lubos niyang pagsisisi sa nagawang kasalanan at pagnanasang mapatawad nito sapagkat minamahal niya ito nang tunay. Ikaw, magagawa mo rin ba ang pagsasakripisyo ni Psyche dahil sa pagmamahal?
Ang Iceland ay isang isla sa hilagang bahagi ng
Atlantiko, nasa pagitan ng Greenland at Norway. Kilala ito sa kanyang
natatanging kalikasan, tulad ng mga bulkan, geyser, at mga yelo, pati na rin sa
mga hot spring. Ang kultura nito ay may malalim na ugat sa mga Viking, at ang
mga tao ay kilala sa kanilang pagmamahal sa literatura, musika, at mga
tradisyon, kasama na ang kanilang mitolohiya at mga kwentong bayan.
Ang pangalan na "Iceland" ay nagmula
sa mga unang mananakop nito, lalo na si Flóki Vilgerðarson. Sa kanyang
pagdating sa isla, nakita niya ang malaking yelo sa isang bahagi ng lugar at
tinawag itong "Ísland," na nangangahulugang "lupain ng
yelo." Sa kabila ng pangalan, may mga bahagi ng Iceland na may mas
maraming berdeng tanawin, lalo na sa tag-init. Ang pangalan ay nagbigay-diin sa
malamig na klima at mga glacier na matatagpuan sa bansa.